parang nasa steakhouse

April 4th, 2008

eto talaga di naman sa nang-iinggit ako pero sobrang sarap talaga nitong t-bone steak with gravy and buttered potato marbles, corn & carrots on the side. at di naman sa nagyayabang ako pero this one i made myself one very inspiring morning (last saturday ata ito) Cimg2415nang maisip kong maypala ang nanay kong t-bone from manila.the recipe for the gravy, i got sa internet. tinuro naman ng friend ko ang side dish na ito. of course, with a little modification to suit our sensitive taste buds =)
haaaaaaaay…..this is life….paano pa ba ako papayat nito? =)

i’ve fallen…..

April 4th, 2008

as in literally! early this morning, nagising si ikay tapos nagyaya na pumunta sa baba ng house para maglaro with her yaya ate sharon. sanay na kasi si ikay na binababa siya ng daddy niya if she wakes up too early in the morning dahil sleeping beauty pa ang mudra niya. of course, usually 1 am nako nakakatulog eh. pero kaninang umaga, pupungas-pungas pa ko, morning breath and all, ako ang bumuhat sa kanya pababa ng stairs. pinagbigyan ko na kasi may sakit siya - ngongo at may halak. so eto na nga…habang pababa ng stairs…

keng: sharon, wash ng pipi at palitan ng diaper si…..aaaaaayyyyyyyyy!!!!!!!……….oooouuuuuuucccchhhhh!!!!! shaaaron kunin mo si ikaaaaay!!!! araaaaaayyyyy!!!!!…..bakit kasi may slippers dito sa stairs????? aray ang sakit ng legs ko….
yaya sharon: ate, istraight mo na kasi…
keng: eh ang sakit nga eh….ooouuuuch!
yaya sharon: buti na lang di mo nabitawan si ikay…
keng: araaaaaayyyyy!!!!
ikay: wawa mommy, sakit mommy, punas na punas na….(referring to the uncontrollable tears na di ko mapigilan…bwahahahah)
keng: sha, palitan mo ng diaper si ikay (wow, naisip ko pa talaga un!)
sharon: hahahah, si ate!

sabay parang lumiliit na ang mundo ko…dumidilim na ang paningin ko…

keng: sha, di ako makahinga (iyak, iyak). sumisikip dibdib ko…
sharon: manay luz, tubiiiig! si ate ang putla-putla na….

heheheheh….masakit pa ang right knee at elbow ko. un daw ang natukod ko nung nadulas ako sa lecheng tsinelas na yun na pakakalat-kalat sa unang baitang ng hagdanan. ewan, ambilis ng mga pangyayari, di ko na maalala…

keng: jenny(isa pang kasambahay), bakit mo naman iniwan ang tsinelas sa hagdan??? (inis nako nito..)
jenny: ate, nakalimutan ko po
keng: ha????? makakadisgrasya ka sa mga kalimot mo. gosh!

imagine, 80 kilos ang sinalo ng siko at talampakan ko. grabe! sakit noh tsaka nakakakaba talaga. lalo na yung feeling na mahihimatay ka na. several hours later, pinagtatawanan nalang namin yun. pero inis pa rin ako sa nag-iwan ng slippers dun.

yun lang. i’ve fallen =)