Pang Teleserye
tinanong ko ang ate at kuya: kung kayo ang tatanungin, dapat na ba kaming bumukod?
sinong titira ngayon sa bahay na iyon? tanong ni ate
oo nga? tanong ni kuya.
ngumisi siya. tila baga sinasabing tama siya.
pero kung gusto niyo talagang maramdaman na pamilya kayo, tamang bumukod na kayo. sabi ni ate.
oo nga, bumukod na kayo. sabi ni kuya.
nawala ang ngisi sa mukha niya. bahagyang sumimangot.
hindi siya umiimik. kumunot ang makakapal na kilay.
bumilog ang mga mata ko. nangungusap. tumatawa.
tumayo siya. walk out. pang ilang ulit na niya itong ginawa.
tumakas sa usapan. ipagpaliban ang isyu kahit makailang ulit nang ipinamukha sa kanya.
nakabusangot na pumasok sa opisina. taas ang baba. nagmamalaki.
tumatawa si ate. hala! napikon.
si kuya, nagyaya nang umuwi.
pumasok ako sa opisina.
bakit ka nagagalit? mahinahon kong tinanong sa kanya habang pinipisil ang mga pisngi.
pinag-uusapan lamang naman natin ang realidad. sabi ko. dahil ba pabor sa akin ang mga sinabi nila kaya ka nagkakaganyan? kung sa iyo sila sumang-ayon, magkakaganyan ka ba? bahagyang tumataas ang boses ko habang ang sa kanya’y pasigaw na.
pinaiinit mong ulo ko! sabi niya.
ISOSOLI NA KITA SA MGA MAGULANG MO!!!!! sabay tabig sa kin.nagpanting na ang tenga ko nung narinig ko iyon.
eh di isoli mo! kelan? hamon ko.
sinipa ang monobloc na upuan. malakas. tumumba ang silya at ang nakalagay dito.
HUWAG MO KONG DADAANIN SA GANYAN DAHIL HINDI AKO NATATAKOT SA IYO!!!! PUWEDE KITANG IPAKULONG PAG SINAKTAN MO AKO!!! sumisigaw na ko.
hindi lamang iyon ang unang beses na naging marahas siya. naalala ko nung nagkakasagutan kami. nagdadalang tao ako nun ngunit gayon pa man ay halos magiba ang mesa dahil sa pagdadabog niya.
hindi na rin mabilang ang mga pagkakataong naitulak niya ako sa kainitan ng aming pag-aaway.
hindi ko na rin binibilang ang makailang beses ko siya tinulak. kaya patas lang.
pero may patas ba kung doble ang lakas ng lalaki sa babae?
lumabas na siya ng opisina. dala ang limpak limpak niyang kayamanan sa bag. hindi niya ito naiwan kahit kailan. binagsak ang pinto.
binato ko ang susi ng kotse. tumama ito sa salamin. walang nabasag. buti na lang.
bumalik siya. sinipa o sinuntok ang pinto ng opisina. ewan. basta naging sanhi ito ng malakas na lagabog. himalang di nagiba ang pinto.
pinagdilatan ko siya ng mata. hindi ako natatakot. hindi ngayong gabi.
umalis siya. iniwan ako sa di mabilang na pagkakataon.
delikadong magmaneho sa gabi kapag mag-isa. yan ay kung hindi siya galit.
pakialam ko sa yong maholdap, makidnap ka. kapag galit siya.
double standard. saya!
natapos din ako sa ginagawa ko. sumakay sa kotse. nagpasyang magpalamig muna.
nasan na ba ang mga holdaper dito? o kidnaper kaya?
hooooy, nandito ako, easy target! lecheng buhay toh!
bigla kong naisip na may anak na pala ako.
kaya umuwi na ko. di puwedeng sarili lang ang isipin ko.
may anak na ako.
galit. sama ng loob. ang bigat dalhin sa dibdib. ang hirap huminga.
minsan naisip ko, tama ba ang naging desisyon ko?
sa walang katapusang panunuyo. karapat-dapat pa ba?
sinong mag-aakalang ang babaeng katulad ko ay malalagay sa ganitong uri ng pagsasama?
masaya dati. iba na ngayon. ibang-iba na siya ngayon.
o hindi ko lang siya lubusang kilala?
apat na taon? hindi pa pala sapat iyon?
at ibang-iba na rin ako ngayon.
not even half the woman i used to be.
sino ba ako?
sino na ako?
Uncategorized | Comment (1)