June 4, 2006

June 4th, 2006

one year na? how time flies talaga. parang kailan lang Page001payat pa ko ha…ngayon mala-dugong na sa laki. hihihi! ano ba??? magpapapayat na nga eh…sinisimulan ko na sa pagkain ng halo-halo habang ginagawa ang blog na ito =)

this is supposed to be about love and relationship and building a family kasi nga one year na kaming kasal ng hubby ko yesterday. aba akalain mong isang taon na kaming nag-aasaran. heheh. di naman. pero madalas. marami na akong natutunan sa pag-aasawa. na talagang kailangan mong magparaya. na hindi ka palaging tama. na ang lahat ng panaginip at pagpapaplano mo sa buhay ay kasama ang iyong asawa at (mga) anak. na marami kang isasakripisyo ngunit sa huli masaya ka dahil alam mong ikabubuti ito ng lahat. na hindi lahat ng gusto ko ay masusunod. na uunahin mong lagi ang kapakanan ng iyong anak kahit ang pagiging selfless ay hindi natural sa iyo. na minsan nakakalimutan mong babae ka at kailan mong mag-ayos pa rin hindi para sa iyong asawa kundi para sa iyong sarili.

na kahit madalas kaming magtalo alam kong mahal ako ni bebe dahil: di niya ko pinigilang simulang abutin ang pangarap kong mag-abogado kahit nung una’y ayaw niya. na kahit malaki na ako’y malagkit pa rin ang kanyang mga tingin. na kahit sa kainitan ng kanyang ulo ay nagagawa pa rin niya akong patawanin at patawarin (minsan lang naman magkamali e…innocent mistake pa!). kahit nakasanayan niyang maging "bossing" buong buhay niya ay nauutusan ko pa rin siya. kahit di pa ko nagisispilyo ay humahalik pa rin siya…

masarap. mahirap. ganoon talaga ang may pamilya. alam kong marami pa kaming bigas Img_3687na kakainin bago maging worth writing ang aming story na tulad ng sa The Notebook ngunit nagpapasalamat pa rin ako at nagdarasal na sana ay magmahalan kami ng bebe ko habangbuhay at patuloy na bumuo ng isang masayang pamilyang may takot sa Diyos.