How I Spent My First Ever Mother’s Day
Wala…steady lang.
Pero andaming nagtext. Ang saya! Feel na feel ko ang pagiging ina. Salamat pala sa mga bumati at binabati ko na rin ang lahat ng mga cool moms out there.
Brownout eh…simula pa biyernes sa buong Sorsogon City pa! Katatapos lang kasi ng bagyong si Caloy. Aba akalain mong ganito pala dito, pag may bagyo sigurado ang brownout. Sobrang boring kaya.
Buti na lang may generator. Nakapaglaro ako ng Super Mario, Battle City, Tetris, at Othello. Akalain niu uling makakapaglaro pa ko ng ganon…namiss ko magpakabata sa araw ng mga ina =) ’stig noh!
Bonding kami ng bulinggitay ko…laki na niya. tabachingching. triple chin! di ko nga makita leeg eh. problema ko p. na-irritate na leeg dahil laging kulob at nababasa ng milk. takaw sa gatas eh.
Ang mahal ng gatas in all fairness ha…P765 sa isang linggo. buti na lang nakuha na namin sa presyong kapital. P720 na lang! mahal pa rin…
Nung gabi nagbantay nako ng tindahan kasama ni Didoy. Ang daming tao! yes, kumita ang fastfood. salamat sa mga ganitong pagkakataong nababawi ang benta…sarado kasi kami noong bagyo. bad trip talagang bagyo yan. walang pumasok na kusinero. walang tricycle e.
Nag take-out na lang kami ng sisig at mango salsa sa kalabang restaurant. nagpaprito ng isda at chicken, asparagus soup, pechay in oyster sauce at a yun…solved! kasama namin ang bro at sis-in-law. o di ayos na. naraos ang mother’s day.
pero namiss ko rin ang celebration sa bahay namin. lagi kasing may surprise si papa o kami kay mama kapag ganitong araw. talagang lumalabas kami o naghahanda. parang ang sweet ni papa at thoughtful ko pala noon. pero ok na sa kin to. masasanay din akong parang wala lang. pero parang ayokong pumayag na ganun ah.
next year at sa mga susunod na taong wala pang malay si Ika, kapag walang kahit ano sa araw na ito ako ang maghahanda sa sarili ko. magpapauso ako =)
Uncategorized | Comment (0)