Problemang Pisikal at Pera
Kapag nakikita ako ng mga tao ngayong buntis ako ng pitong buwan, madalas nanghuhula sila….lalaki yan noh! Sabi ko naman, hindi babae toh. Ayy, mukhang lalaki yan…ang pangit mo eh!
Tama ba naman yun?! Mang-insulto ba ng buntis? Sensitive pa naman ako…hahaha! Di ko sila masisisi. Nangingitim ang leeg, likiliki, tiyan at mga parteng tagong-tago na. Ang laki ng ilong ko, namamaga ang pisngi at labi, manas ang mga kamay at binti…O ano ngayooon? Para sa kin at para sa mga tapat kong kaibigan, pinakamaganda ako ngayon kasama nga aking baby na makikilalang si ERIKA JADA GO - honorable and wise ruler…siya ay madidinig sa buong mundong nagsasabing "Hello, Manny?" Hahahah!
Toxic talaga ngayong week. Di nga maniwala tong friend kong from the US of A eh. Kala niya porke nasa province eh ganon nalang kadali mabuhay. Di kaya! Kakatawa siya, highlight ata ng linggo niya ay noong nakita niya si April Boy sa kapitbahay nila na nagbebenta daw ng ticket sa concert =) Hi Freyen! Eh pano kasi may catering kme (ayon sa nagsusupply ng baboy samin…"kithiring" daw) sa medical mission. 1 week event na puro foreigners/Philam ang volunteer doctors. Toxic tuloy gumawa ng menu for them. We are on our fifth day at continuous pa rin ang pag change ng menu…affected na nga kami ng husband ko e..charing..kelangan laging exotic ang dating ng dishes. Ayaw kumain ng banana na yellow dahil overripe na raw ito. Green lang kilala. Mahilig sa ponkan, diet coke, alimango, sugpo…for 100 persons…my gosh! Ang mahal kaya ng mga ito 400per kilo…ubos ang money…wala pa ang bayad…mga after 10 years…lam mo naman ang gobyerno…hassler sa red tape… Kaya toxic talaga!
Haaay, not to mention the 100,000 pesos na na-swindle sakin ng isang pinagkakatiwalaang nilalang. Nkakabulag kasi ang profit…30% in 3 mos! I should have known better. If only I listened to the people around me..or at least asked my father’s advice…or read Colayco’s book. Sayang!!! But then again, it’s not really my loss. The 1.2M na nakuha nya from all of us who invested (mostly her bro’s friends) won’t take her very far. Im still hoping I could get some explanation from her or from any member of her family soon. Although, some investors did file a case sa NBI na. Di pa muna ko. I have more important matters at hand - my baby. Sabi naman nila, let go na raw, consider it dead money…a part of me says na tama sila pero the other part is saying "ang hirap kaya nun!"Kayo, anong gagawin niyo?
Uncategorized | Comment (0)