June 27th, 2005
Nainis ako sa asawa ko kanina
Dahil sa traysikel…
Kinailangan ko kasing pumara nito habang umaambon
Kaninang alas-onse ng umaga upang pumunta sa aking opisina
Nauna kasi siyang umalis ng bahay dahil may mga mahalaga pa siyang bagay na dapat gawin
Kaya naiwan ako sa bahay…walang mghahatid.
Hindi ako nag-iinarte noh…not at all!
Ok lang sumakay sa tricycle…di naman ako maselan
Naisip ko lang…nung magkasintahan pa lang kami, kahit saang lupalop ng probinsya ay susunduin niya ko
Dahil ayaw niyang magtrike ako…sosyal noh?
Noon yon!!!
Kaya kayong mga kababaihan, maniwala kayo! lubus-lubusin niyo na habang di pa kau kasal =)
Take it from me….been there….been that (hahahaha!!!!)
Pero iniisip ko…pasalamat nalang ako dahil may pera akong pang trike…
Yung iba nga naglalakad lang…nakapaa pa!
Keng, ako ang iyong konsensya….makuntento ka kung anong meron ka!
Uncategorized | Comment (1)
June 13th, 2005
Nais ko sanang paunlakan kayo ng masayang kwento ng bagong buhay ko bilang isang may bahay/asawa/ilaw ng tahanan/manager/prinsesa. Ngunit sa pagkakataong ito’y mas nangingibabaw ang nararamdamang pagkabalisa dahil sa mga kaliwa’t - kanang issues sa ating bansa.
Totoo, sa maniwala kayo’t hindi, ang keng na kinagigiliwan at kinatutuwaan ninyo ay nababalisa…marahil higit na personal ang dahilan kaysa sa pambansang interes. Noong mga nakaraang araw, dahil na rin siguro sa bagal ng oras dito sa probinsiya at kakulangan sa pagkakaabalahan, nalulong ako sa current events…panonood ng balita, pagbasa ng pahayagan, pagsurf sa net ng mga issues na panlipunan. Maaaring ang pagiging interesante rin ng mga naglalabasang issues laban sa gobyerno - ang jueteng scandal, si Gen Garcia at Col Rabusa para sa corruption sa AFP, si Sandra Cam, Samuel Ong, ang wire-tapped recorded conversation ng Pangulo at Garcillano (daw), ang pagrelieve kay Col Ricardo Morales sa kanyang brigade dahil sa paghihikayat di umano sa ibang kabaro na mag-aklas na at ni Gen Danga bilang ISAFP Chief dahil sa mga tapes, ang paglutang muli ng Jose Pidal Case - ang dahilan kung bakit kahit pagod sa trabaho ay diretso kami ng aking kabiyak sa harapan ng telebisyon at nakatutok na hanggang madaling araw (nawawalan tuloy kami ng oras para sa honeymoon =) - di ako nagrereklamo ha!)
Ang totoo, naaawa na talaga ako sa bansa natin. Di ko na alam kung ano ba talaga ang nararapat gawin upang mai-ahon sa kalunos-lunos na kalagayan ang Pinas. Noong nasa kolehiyo pa ako, kasama ako sa libu-libong mag-aaral na nagmarcha galing UP Diliman patungong Edsa Shrine upang mapatalsik ang pangulong tahasang nagnanakaw sa kaban ng bayan. Naging matagumpay ang taong-bayan na mapaalis si Erap sa kinaluluklukan niya ngunit may maganda na bang nangyari sa ating bansa? Dapat ba akong magsisi sa sa pagsigaw at paghingi ng demokrasya sa kainitan ng Ortigas intersection noon? Naloko na naman ba ang taong bayan ngayon?
Haaaay!!!! Pare-pareho lang talaga sila.
Ngunit ang higit na mahalagang dahilan ng aking pagmumuni-muni ay ang pagiging involved ng mga taong pamilyar ako. Ang iba’y naging bahagi pa talaga nga buhay ng aming pamilya. Si Col Rabusa - tito George, at Col Morales - tito Dick. Naging kapitbahay namin sila ng halos isang dekada - larawan ng mababait na mga ama sa mga anak nilang sabay naming lumaki ng mga kapatid ko. Ngayon ay parehong nahaharap sa iba’t-ibang issues. Si Tito George dahil sa corruption daw sa hukbo at si Tito Dick naman na dahil sa sobrang idealism ay nalagay sa alanganin. Sobrang mababait sila at maalalahanin hindi lang sa aming magkakapatid ngunit pati na rin sa iba pa naming kababata. May sense of humor, magiting, malinis, marunong makisama at mapagmahal sa pamilya nila - yan ang imahen nila sa akin. Si Gen Danga, ama siya ng klasmeyt ko nung gradeschool at uncle naman ng aking ex. Naka-attend pa ako ng bday party niya bago siya operahan sa puso. Mukha siyang magiliw ngunit ngayon ay napaalis sa kanyang posisyon. Si Gen at Mrs Garcia, kapitbahay namin at mababait naman daw ayon sa aking mga magulang. Pero bakit ganon? Bakit naging laman sila ng mga pahayagan at mga balita, patuloy na hinuhusgahan at kinukutya ang kanilang pagkatao? Maski sabihin niyong madrama ako, nasasaktan ako para sa kanila.
Ngunit kahit papaano ay naibsan naman ang pangangamba ko. Tinext ko pa nga ang papa ko tungkol kay Col Morales. At ang sagot naman niya, "Don’t worry anak. He (tito Dick) is man enuf to face this. This is not his first time in this game. Let us just pray for his best and for our country."
Sana may kasama akong magdasal para sa kinabukasan ng ating bansa…
Kasi naman Tolits, mag-aral ka ng mabuti para maging presidente ka na nga Pilipinas…kahit anong course basta maging tapat ka lang sa taong bayan at sa sinumpaang tungkulin. Hihintayin ka ng mga apo ko =)
Uncategorized | Comment (0)
June 9th, 2005
I posted this in blogspot 5 days before my wedding. I’m re-publishing it so that everybody could relate to my forthcoming blogs…
Wedding Pains??? Not!
Wedding Day Count Down: 5 days 21 hours and 35 minutes
There had never been more butterflies in my stomach than now! After 6 months of planning and preparation, discussions, arguments and make-ups, the big day is finally coming…the one big day that will matter most (at least, to all the friends, guests and spectators).
I realize that getting married is like putting together a big production, a big show for everybody to enjoy and to remember. I, of course, as the Bride is the Director of this show (on the side is my Producer - Gerry…hehehe!) The Star of this show? Who else but Moi? c",) Although it’s fun and exciting, it’s never easy you know. I, "feeling" Super Woman as I am needed to admit that I cannot go through all these without seeking the help of Wedding Planners at least for the On-the-day coordination while my Groom is busy in Bicolandia looking for a way to finance our almost perfect wedding…if only my vital stats are 34-24-34. sigh!
I’d have to deal with sleepless nights, tension pains, penniless days (coz i resigned as a corporate slave), numerous painful trips to the dermatologist to have that "glow" on my wedding day, crash diets (which by the way didn’t do me any good), non-constructive arguments with Gerry, unsolicited advices from outside forces (harhar), sweaty underpants after working out (i did shed a measly 7 pounds…honest!), a substantial decrease in our bank account and several serious threats of break-up…all initiated by me during my bouts of insanity.
But all these I would go through again if only to marry the man who makes me happy and who makes me feel really special. The man is worth it, I tell you. He was once asked by my father why after all that’s been said and done against him, he still chose me. He simply answered, "Mahal ko po talaga ang anak niyo eh."
Bebe, just so you’ll know, we may have come from two different worlds, I may not have been as understanding and patient as I should be but I have always loved you more.
Can’t wait to be Mrs Karen Anne Go =)
Uncategorized | Comments (2)